My Little Christmas Lesson

Standard

Sa opinion ng iba, ang Pasko ay para lamang sa mga bata. I detest the idea. Kasi hindi ko na pwedeng i-categorize ng sarili ko as “bata” e (at sure akong may hahampas sa mukha ko left, right and center kung ipipilit kong bata pa ako – gumising ka sa katotohanan!) Pero siempre gusto ko rin mag-celebrate no..at walang pwedeng magasabi na hindi ko ito deserve. Pero ano nga ba ang ibig nilang sabihin?

Ok, kung meron kayong mga bata sa bahay I’m sure alam ninyo ito.

Patutulugin mo sila ng maaga at sasabihin mong merong Santa Claus na magdadala sa kanila ng regalo pag natulog sila, para lamang gisingin muli bago pumatak ang alas dose, so we can tell them ”Merry Christmas.. eto na ang gift mo”. Pipilitin mo silang bumangon para kumain ng niluto mong pang Noche Buena kahit umiiyak sila dahil sa antok. Tapos pag gising na gising na sila at ayaw ng matulog dahil sa kalalaro ng bigay ni santa na laruan…magagalit ka, kasi ikaw naman ang inaantok na sa pagod at alas dos na ng umaga! Yan ang aming scenario.

Naiintindihan nga ba nila kung bakit sila gumigisng ng madaling araw? At kakain ng crepe at 12:30am! Anong meron at may regalo galing ke santa? At sino nga ba itong santa na tinatawag nila..lolo ko ba yan para bigyan ako ng cheap na plastic na bowling set, ka-share ko pa si kulot????

Para sa mga batang 22 months old at 5 years old..ano nga ba ito? (Oh I know…ganti gantihan lang kasi ganyan din ang ginagawa ng mga magulang namin noon! Pasusulatin pa nila kami – charing! ke santa kung anong gusto namin, pero ending hindi rin naman iyon ang natatanggap mo kasi either mahal o kakailanganin talaga ng matinding divine intervention ang mga hinihingi mo.)

christmas-pic-1

So, ang ibig ba nilang sabihin… ang Pasko ay para sa mga batang hindi nakakaintindi kung ano ang ”Pasko”?? E paano naman ang sa mga katulad nating bumibili ng regalo, nagpapakapagod sa pagluluto at nagpupumilit na magcelebrate dahil akala natin naiintindihan natin kung ano ito?

Ang sagot sa tanong ko.. pinakita ng mga anak ko. Hindi man nila alam, pero binigyan nila ako ng isang napaka importanteng leksyon. Na OO dapat nga pala paminsan minsan bumalik tayo sa pagkabata, sa pagka inosente. To those times when we still don’t know how to judge people, we don’t expect much (and get frustrated), to those times we are contented with the basic things we need and that there is such a thing as “nice and cheap”. For an innocent child, it doesn’t matter if its 28 March or 16 September…basta may makakain…Pasko!

Sa mata ng mga anak ko pinakamasarap ang crepe na ginawa ko kahit alanganing hilaw alanganing sunog. Yummy ang meatloaf, ang ilang pirasong ham at tsokolate Eh. Pinaglaruan nila ng husto ang murang murang bowling set – na habang si ate e nagco-concentrate sa paghihilera ng mga pins, si kulot naman e nageenjoy sa pagtutumba nito..hanggang umiyak tuloy si ate..wawa.

At sa gitna ng maingay nilang tawanan at iyakan, tinuturuan naman nila si mommy ng leksyon….not to judge, not to complain. Life is fine, take it easy. Kahit mahirap ang buhay, if we know how to be simple innocent children, we will enjoy it.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s